LOVE LETTER
"Isulat mo ang mga naiisip mo kung di mo masabi ang gusto mong sabihin."
Way back in year 2000, mahilig akong magsulat. High school student pa ako ng mga taong yan.
Lalo na kapag may mga pinapakopya yung titser namin sa manila paper.
Magmula sa kaliwang pisara hanggang sa kanang bahagi nito. Umaabot pa nga kadalasan sa pader na may dilaw na papel na nakadikit eh.
Then mayroon akong kaklase na kinalabit ako habang nagsusulat ako.
"Drew, pahiram ballpen. Naiwan ko ballpen ko sa bahay eh."
"Ahy pasensya ka na. Wala akong extrang bolpen eh. Manghiram ka na lang sa iba. Ito ngang gamit ko ngayon paubos na rin ang tinta eh." Sagot ko sa kanya habang nakakunot ang kanyang noo.
Akala pa yata binabarbero ko siya sa sagot ko.
And speaking of "barbero", Nuon pa man uso na yang kataga na yan kapag 'di totoo ang sinasabi nung nagsasalita.
Kwentong Barbero ika nga.
Katuwaan naming mga magkakaklase nuon ay ang magkuwento ng mga walang kwentang bagay pero nakakatawa.
Hahagakpak ng pagtawa sa mga kalokohang kinukuwento.
Yung tipong makikita mo pa ngala-ngala nung kaklase mo sa OA niyang tumawa. Yung bungal na ngipin sa harap at nabubulok na ay walang pakialam basta makatawa lang.
Di naman kasi pansinin yung mga ganun dati.
Wala lang. Pero sa kasalukuyang panahon, parang nakakahiya na.
Siyempre hayskul na eh. Daming conscious sa katawan. Kahit sa simpleng hawi lang ng bangs na di magpantay, inaabot pa ng siyam siyam bago makorte ang style ng buhok na nais.
Ayoko ring nagugulo buhok ko nun.
Lalo na kapag may gel pa. Parang nakuryente sa sobrang tayo ng buhok at matigas pa.
Hay kaloka.
Balik tayo sa talagang pinag-uusapan at laman ng kabanata na ito.
Nagamit ko ang kakayanan ko sa pagsusulat nung una akong na-inlove sa crush ko nung high school.
Third year high school pa ako nun sa J.P. Laurel High School. Section 1 ako nun.
Tandang-tanda ko pa ang buong pangalan nya.
April Joy J. De Jesus
Maganda siya, maputi, matangos ang ilong at may mapupulang mga labi.
Yung tipong parang nasa kanya na ang lahat nung una ko siyang makita. Na love at first sight ako sa kanya.
Third year high school ako nun at siya naman ay nasa first year high school.
Oo mas matanda ako sa kanya. That time 16 years old ako.
Siya naman nasa 14 years old. Dalawang taon lang naman tanda ko sa kanya.
Kaya dun nagsimulang unang tumibok ang puso ko.
Since mahiyain ako, humihingi pa ako ng tulong sa kaklase ko para lang makausap siya.
Yun bang kailangan pa na may kasa-kasama ako para lang makausap siya.
Pero di ko siya nakakausap directly.
Pinararating ko pa sa kaklase ko lahat ng sinasabi ko at gusto kong sabihin sa kanya.
Para akong may translator.
Halos matunaw ako sa tingin niya pa lang sa akin.
Kaya naman gumawa ako ng paraan para masabi kong lahat yung mga gusto ko talagang sabihin sa kanya.
Yung hindi ko na kailangang sabihin pa sa kaklase ko para lang maiparating sa kanya yung gusto kong sabihin.
Dahil sa kanya, duon ako natutong gumawa ng love letter.
My first love since high school days.
Alam ni April na mahiyain ako.
Kaya minsan siya na yung lumalapit sa akin pero natatakot akong humarap.
Nahihiya ako. Ni di nga ako makatingin ng diretso sa kanya eh.
Di ko na masyadong ikukuwento pa to kasi di rin naman naging kami eh.
hehe.
Nang malaman kasi ni April na mahirap lang ako, one time nakita ko yung pinabigay kong love letter sa kanya na nasa basurahan.
Nung time na yun ako unang na-inlove, yun din yung time na una akong na brokenhearted.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento