Wampipti sa Tampipi

 "Boss, wampipti lang."

Sabi ni 'Kuyate' pag-akyat ko sa overpass ng Cubao.

Pabulong niya lang itong sinabi sa akin nang makalapit siya.

"Boss, wampipti lang. May tawad pa."

Napaisip ako saglit.

"Ano 'yun?" Sabay alis ko na lang na parang walang narinig.

Nagnilay-nilay ako habang ako ay naglalakad sa sinabi sa akin ni kuyate.

Kuyate means kuya na ate pa. Sa palagay ko'y alam nyo na ibig kong sabihin dahil sign na rin ng respeto kaya di ko na sinabi main word.

So, eto na nga.

"Nang-aalok ba si kuyate o nanghihingi?" Inulit-ulit ko yung word na "wampipti" hanggang sa na-realize ko na one fifty ang sinasabi niya.

"One-Fifty? As in, one hundred fifty? Ahh... Nang-aalok siya na one hundred fifty lang."

Pero ang main question duon eh ano kaya yung inaalok niya sa akin na worth one hundred fifty? Napatingin din ako sa likuran ko o sa tabi ko na baka naman may tinitindang something na ganun ang halaga.

Pauwi na ako galing trabaho ko sa Guadalupe.

Nagtatrabaho ako bilang isang service crew sa isang convinience store.

Dahil nga sa di ako pinalad na makapasa ng board sa unang pagkakataon, eh napagdesisyunan ko muna na magtrabaho habang hinihintay ulit ang susunod pang pagkakataon na ako'y makapag-take ulit.

"Ka-careerin ko talaga 'tong work na 'to if hindi pa rin ako makapasa sa pangalawa."

Iyan ang sinambit ko sa sarili ko kung sakali mang hindi pa rin ako makapasa.

Graduate naman ako ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Elementary Education. At, Oo. Isa akong guro at magiging ganap pa lang yun kapag ako'y suswertehin na makalusot sa board exam.

Isa ako sa napupusuang maging team leader sa pinagtatrabahuan ko.

At may chance pa ngang maging store manager eh.

"Boss, chiks? wampipti lang."

Nagulat ako sa sinabi ni kuyate na naman sa akin. At this time, may additional word na 'chiks'.

"Aba! Ibang usapan na 'to. 'Yung word na 'chiks' (babae) na ang inaalok pala nito sa akin."

Dun ko lang nasimulang mapagtanto ibig sabihin nung "Boss, wampipti lang. May tawad pa."

Tumambad sa akin ang limang babaeng nirereto 'di para maging jowa kundi para maging pansamantalang aliw. Na sa halagang one hundred fifty pesos, "floating in the heaven" na ang magiging pakiramdam mo.

Napahawak ako bigla sa bulsa ko upang kapkapin ko ang aking tampipi. Bahagya ko itong inilabas. Nakita ni kuyate ni gula-gulanit na ito. Sabay lumayo sa akin na para bang mayroon akong nakahahawang sakit.

Napaisip ako.

Nagnilay-nilay saglit.

"Teka. Nakita niya lang na gula-gulanit na yung tampipi ko (wallet o pitaka) nilayuan na ako?"

Napangisi na lang ako habang binuklat ko ng bahagya ang pitaka ko na nagkakalaman ng wampipti.

Napagtanto ko na magmumula sa tampipi na 'to ang magiging hinaharap ko.

Ang overpass sa Cubao ang nagsilbing pagsubok at hamon ng buhay.

Si kuyate na nagsilbing tukso upang mawalan ako ng gana sa pangarap ko sa buhay.

At ang gula-gulanit na tampipi ang sumasalamin naman sa buhay na mayroon ako.

Eh ang wampipti sa tampipi?

Wampipti (150)

100% Tiwala sa sarili

50% Tiwala sa ibang tao.

Dahil sa tunay na buhay, sarili mo lang talaga ang makakatulong sayo upang umahon ka sa kung anong katayuan mo ngayon.

Katulad man ng gula-gulanit at punit-punit na tampipi ang estado ng buhay mo ngayon, magtiwala ka lang sa sarili mo. Hundred percent (100%), masasabi mo sa sarili mong hindi ka nagsisisi.

Mga Komento