TEXT MESSAGE
N oong araw di pa uso ang social media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, at iba pang mga kilalang online application para makakilala at makasalamuha ka ng ibang tao galing sa iba't ibang lupalop ng mundo. Di pa rin naman gaanong uso ang mga gadgets noon tulad ng android phone, tablet, laptop, computer at marami pang iba makabagong teknolohiyang ginagamit sa makabagong panahon ngayon. Speaking of android phones ay minsan ko na ring pinangarap na magkaroon niyan. Pero hanggang pangarap lang nuon dahil alam ko namang wala kaming perang pambili nuon eh. Ang pinakapatok sa panahon ko nuon ay ang 3210 o 3310 ng Nokia o mas kilala sa tawag na "Basic Phone" Marami na ring basic phones nuon. Una ko lang kasing nahawakang phone nuon ay yung Nokia 3210 na pinaglumaan pa ng Ninang ko. Yung hinintay ko pa na mag-birthda...