LOVE LETTER
"Isulat mo ang mga naiisip mo kung di mo masabi ang gusto mong sabihin." Way back in year 2000, mahilig akong magsulat. High school student pa ako ng mga taong yan. Lalo na kapag may mga pinapakopya yung titser namin sa manila paper. Magmula sa kaliwang pisara hanggang sa kanang bahagi nito. Umaabot pa nga kadalasan sa pader na may dilaw na papel na nakadikit eh. Then mayroon akong kaklase na kinalabit ako habang nagsusulat ako. "Drew, pahiram ballpen. Naiwan ko ballpen ko sa bahay eh." "Ahy pasensya ka na. Wala akong extrang bolpen eh. Manghiram ka na lang sa iba. Ito ngang gamit ko ngayon paubos na rin ang tinta eh." Sagot ko sa kanya habang nakakunot ang kanyang noo. Akala pa yata binabarbero ko siya sa sagot ko. And speaking of "barbero", Nuon pa man uso na yang kataga na yan kapag 'di totoo ang sinasabi nung nagsasalita. Kwentong Barbero ika nga. Katuwaan naming mga magkakaklase nuon ay ang magku...